-- Advertisements --

Nanindigan si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na walang termsharing agreement sa kanila ni Taguig City Representative-elect Alan Peter Cayetano sa House Speakership race sa 18th Congress.

Ito ay sa kanila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon ng ganitong kasunduan sina Velasco at Cayetano.

Sa isang statment, sinabi ni Velasco na wala namang anumang binanggit na term sharing ang Punong Ehekutibo.

Ayon sa kongresista, ang malinaw lamang sa sinabi raw ng Pangulo ay ang posisyon nito na ipapaubaya na lamang niya sa Kamara ang issue sa speakership race at hindi na siya makikialam pa rito.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte sa isang panayam na nilapitan siya ni Velasco at Cayetano sa kanyang kuwarto nang sila ay nasa Jpan.

Dito raw nila napag-usapan ang term sharing at napag-kasunduan na si Cayetano ang mauunang umupo sa loob ng 15 buwan.

Pagkatapos ni Cayetano, bibigyan naman daw ng 21 buwan si Velasco para maging lider ng Kamara.

Pero kung ang political analyst na si Ranjit Rye ang tatanungin, makakabuti na lamang na magkaroon ng term sharing upang hindi na magkaroon pa ng pagkahati-hati ng mga partido.