-- Advertisements --

All-set na ang pagkikita nina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping.

Ayon sa White House na ang nasabing pulong ay sideline ng pagdalo ng Chinese President sa APEC Summit na gaganapin sa US.

Ilan sa mga tatalakayin ay ang paglaban sa pagpapakalat ng gamot na fentanyl isang synthetic drug epidemic na siyang pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga Americans nasa edad 18 hanggang 49.

Bukod pa dito ay hindi na nagbigay pa ang White House ng ilang mga detalye ng pulong ng dalawang lider.

Magugunitang binabatikos ng China ang US dahil umano sa ilang usapin gaya ng pagkampi nito sa Taiwan ang bansa na inaangkin nila.