-- Advertisements --

Tiniyak ng boxing legend na si Oscar de la hoya na marami siyang gugulatin sa muling pagbabalik niya sa itaas ng ring sa darating na September 11 laban sa dating UFC world champion na si Vitor “The Phenom” Belfort na gaganapin sa September 11 sa Staples Center sa Los Angeles, California.

Ayon kay De la hoya kahit 13 taon na ang nakalipas sa huli niyang laban nang talunin siya ni Manny Pacquiao, hindi pa rin daw nagbabago ang kanyang pagkagutom sa boxing at hinahanap hanap niya ang sakit ng katawan.

Giit pa nang tinaguriang Golden Boy, ibang klase raw ang ginawa niyang training.

Kung tutuusin daw, hindi naman siya nagretiro sa pagboboksing matapos na sumurender siya sa laban kay Pacquiao noong taong 2008.