-- Advertisements --

Libu-libong aktibista, political leaders at mamamayan ng India ang nagbigay pugay sa pagpanaw ng 84-anyos na tanyag na tribal rights activist na si Father Stan Swamy.

Si Swamy ay isa sa 16 na tanyag na aktibista, academics at abogado na inarestro at nakasuhan ng tinawag na Bhima Koregaon case sa ilalim ng draconian anti-terror law.

Naaresto si Father Swamy noong October 2020 sa akusasyon laban sa kaniya na may kinalaman sa nangyaring karahasan sa rally sa Bhima koregaon village sa Maharashtra noong 2018.

Ayon sa National Investigation Agency ng India na nag-iimbestiga sa mga terror crime, inakusahan si Father Swamy kasama at ang iba pang aktibista na may kaugnayan sila sa mga Maoist rebels.

Mariing pinabulaanan ito ni Father Swamy at iginiit na tinatarget lamang siya dahil sa kaniyang trabaho na may kinalaman sa pagtatanggol sa karapatan sa lupa ng mga tribu sa Jharkhand state sa India.

Namatay si Father Swamy dahil sa cardiac arrest nitong Lunes na nahawaan ng COVID-19 habang nasa bilangguan noong Mayo.

Nagkasakit din ito ng tinatawag na Parkinson’s disease.

Si Father Swamy ang pinakamatanda na inakusahan ng may kinalaman sa terorismo sa India.