-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng assesement ang data watchdog sa United Kingdom ukol sa ulat na tinangka ng isang hospital staff na makuha ang mga private medical records ni Catherine ang Princess of Wales.
Nanatili kasi ng 13 gabi sa London Clinic Hospital si Catherine noong Enero para sa planong pagpapa-opera sa kaniyang tiyan.
Ayon sa Information Commissioner’s Office (ICO) na siyang independent regulator for Data Protection and Freedom of Information ng UK na isinasagawa na nila ang imbestigasyon.
Sinabi naman ni Al Russell ang hepe ng pagamutan na walang makakagalaw sa mga private records dahil sa nananatiling sekreto ang nasabing mga personal information ng lahat ng mga pasyente.










