-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayon ay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagkakatalaga ng dati ding nagsilbing PNP chief Camilo Cascolan bilang Undersecretary ng Department of Health (DOH).

Paliwanag ng Senador na hindi naman kailangan na maging isang doktor para mangasiwa sa isang organisasyon dahil pagdating sa pamamahala hindi makukwestiyon ang abilidad ni Cascolan.

Kayat walang nakikitang problema dito ang Senador at iginiit na itinalaga si Cascolan para maayos ang mga proseso o pamamahala sa DOH at hindi para manggamot ng mga pasyente.

Sa kabilang banda naman, kinondena ng Alliance of Health Workers ang pagkakatalaga ni Cascolan at inihayag na malaking indulto aniya ito para sa mga health experts.

Subalit bwelta naman ng Senador na ang appointment ni Cascolan ay prerogative ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.