-- Advertisements --

NAGA CITY- Tinitingan ngayon ng mga awtoridad ang posibleng pagkakaroon ng foul play sa suicide incident sa lalawigan ng Camarines Sur.

Mababatid, na nagbigti ang kinilalang si Christine Joy sa ilalim ng tulay sa Carigsa, Magarao, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki PCpt. Monica San Juan ang Officer in Charge ng Magarao Municipal Police Station, sinabi nito na nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagkalap ng posibleng witness o nakakita sa insidente.

Aniya, nangangalap rin ang mga otoridad ng datos gaya na lamang ng mga CCTV footages kung saan posibleng nakunan ang mismong insidente maging ang mga pangyayari bago naganap ang pagpapakamatay ng biktima.

Samantala, sinusubukan pa rin ng mga otoridad na makipag-ugnayan sa mga kamag-anak ni Christine Joy para sa pag-usad ng kaso.

Si Christine Joy ay pansamantala umanong nanunuluyan sa Santa Cruz Naga City.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang resulta ng isinagawang post mortem examination sa biktima upang malaman ang totoong sanhi ng pagkamatay nito.