Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na makakatulong ang pagkakapasa ng Trabaho Para sa Bayan Act para makamit ang mithiin ng pamahalaan para makapagbigay ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Ito ay kasunod na rin ng paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw sa naturang batas na naglalayong matugunan ang mga hamon sa labor market.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, suportado nila ang naturang batas na nagaambag sa Philippine Development Plan 2023-2028 na naglalayong mapataas ang bilang ng may trabaho at mapalawig ang access sa mga oportunidad sa trabaho.
Sa ilalim ng naturang batas, minamandato ang pagtugon sa unemployment, underemployment, informality ng working arrangements, reintegration ng OFWs at iba pang mga hamon sa labor market.
Base sa latest data mula sa PSA noong Hulyo ng 2023, lumalabas na ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ay nasa humigit-kumulang 2.27 million
Nangangahulugan ito ng unemployment rate na 4.8% sa bansa.