-- Advertisements --
DA salt asin
Salt farm (courtesy from DA)

Nanawagan si Agri partylist COng Wilbert Lee sa mga kapwa mambabatas na ipasa na sa lalong madaling panahon ang panukalang batas na muling bubuhay sa Salt Industry ng bansa.

Si Cong Lee ay isa sa mga may-akda ng Philippine Salt Industry Development Act o House Bill 8278, na una nang pumasa sa 2nd reading sa mababang kapulungan.

Ayon sa kongresista, kailangang-kailangan ng pamahalaan ang nasabing batas, dahil sa mistulang nahihirapan na ang bansa sa produksyon ng asin, gayong napakalaki ng resources ng Pilipinas para rito.

Kung sakaling maisasabatas aniya, hindi lamang papalaguin ng nasabing batas ang Salt production sa Pilipinas, kungdi mabibigyan din ng pagkakataon ang maraming mga Pilipino na makapagtrabaho sa salt industry.

Inaasahan kasi aniya na 3,000- 5,000 na trabaho ang maibibigay nito sa inisyal na implementasyon pa lamang.

Ayon sa Kongresista, hindi makatarungan na nag-iimport ang Pilipinas ng 93% sa kabuuang ginagamit na asin sa bansa, dahil kung tutuusin aniya ay maaaari pang mag-export ang pamahalaan.