Tukoy na ng militar ang pagkakakilanlan ng apat pang Abu Sayyaf members na nasawi sa engkwentro laban sa militar kahapon sa may bahagi ng Maimbung, Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana na may mga pangalanan na sila sa apat na bangkay ng ASG.

Sinabi ni Sobejana na nasa siyam na ASG ang nasawi sa enkwentro sa serye ng mga engkwentro sa probinsiya.

Kinumpirma nito na sugatan sa nasabing enkwentro si ASG sub-Leader Idang Susukan habang patay ang kapatid nito na si Jaber Susukan na siyang malapit na commander kay ASG leader Radulan Sahiron.

Ayon sa opisyal na sa ngayon ay napalibutan na nila ang bandidong grupo kung kaya’t umaasa siya na sa mga susunod na araw ay magkaroon ng magandang resulta.

Pahayag ni Sobejana na hindi nila narekober ang bangkay ni Jaber Susukan.