-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaasahan na magtuloy-tuloy na ang pag-usad ng kaso kaugnay sa pagbaril-patay sa isang ‘Doctor to the Barrio’ sa Lanao del Norte.

Ang biktima ay si Dr. Dreyfuss Perlas tubong Poblacion, Batan, Aklan, at nagtapos ng medisina sa West Visayas State sa La Paz, Iloilo City.

Si Dr. Perlas ang pinatay ng suspek na si Mohammad Nabel Banding noong 2017 sa Barangay Maranding,Kapatagan,Lanao del Norte matapos hindi si ya pinahiram ng ambulansya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Joselito Villaruz, dating professor ni Dr. Perlas at ngayon presidente ng WVSU, sinabi nito malaking kawalan si Dr. Perlas lalo na nag-alay ng kanyang panahon upang mapaglingkuran ang mga mahihirap na hindi kayang magbayad sa mga ospital.

Umaasa naman si Villaruz na mahuli ang isa pa sa mga suspek sa krimen upang tuluyan na ng mabigyan ng hustisya ang pagpaslang kay Dr. Perlas.

Matapos mahuli kamakailan lang, kulong na si Banding sa Bureau of Jail Management and Penology-Lanao del Norte District Jail.