-- Advertisements --

Itinuturing na malaking hamon ng Philippine National Police (PNP) ang ulat ng international business magazine na Global Finance na kulelat ang Pilipinas sa “safest country” sa mundo.

Ayon kay PNP chief General Guillermo Eleazar, gagamitin nila ang nasabing ulat para pagbutihin pa ang kanilang trabaho.

Kasunod nito, kanyang ibinida na malayo na ang narating ng bansa pagdating sa laban kontra krimen.

Sa katunayan ay bumaba sa 63 percent ang index crime o mga pangunahing krimen na naitala sa nakalipas na limang taon ng kasalukuyang administrasyon, kumpara sa nakalipas na limang taon nang nagdaang administrasyon.

Maliban dito ay mas tahimik na umano ang mga komunidad.

Kasama sa naging factor sa pag-aaral ang: war and peace; personal security; at natural disaster risk, pati na “unique risk factors” pagdating sa COVID-19.

Nabatid na base sa ulat, kulelat daw ang Pilipinas sa listahan ng 134 na mga bansa pagdating sa usapin ng kaligtasan.

Nakakuha ng 14.8999 na puntos ang Pilipinas, na mas mababa pa sa mga bansang Bosnia-Herzegovina, Nigeria, Guatemala at Colombia.