-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Itinuturing na pinakamalaking event sa United Kingdom ang paghatid sa huling hantungan kay Queen Elizabeth II pitumpung taon na ang nakakaraan matapos ang pagpanaw ng kanyang ama na si King George VI.

Ayon kay Bombo International news correspondent Lloyd Balatongan mula sa UK, kabilang sa milyon milyong katao na dumalo sa fineral service ang libu libong pilipino na nagbigay pugay din sa Reyna sa huling pagkakataon.

Lahat umano ng shop at groceries ay nagsara maliban lang sa mga hospital bilang pagbibigay pugay sa Reyna.

Nalungkot aniya ang Filipino community lalo na sa bahagi ng London dahil siya ang nagpatayo ng hospital services at nagbukas ng pintuan para sa mga Pilipino.

Nagpahayag naman ng suporta ang Filipino community sa kanyang anak na susunod na mamumuno.

Para naman kay Atty. Ronald Sipat, Bombo International correspondent sa UK, malaking prebelihiyo na makasama at matunghayan ng personal ang makasaysayang state funeral ng Queen Elizabeth II na pinakamatagal na naupong monarch sa United Kingdom.

Aminado naman siya na may mga nangangamba kung paano ang patakaran ng bagong monarkiya sa ilalim ng kanyang anak na si King Charles III.

Pero umaasa ang mga mamamayan sa kanyang pangako na ipapatupad pa rin niya ang iniwang legacy ng kanyang ina.