-- Advertisements --

Naniniwala si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na bayad sa utaang na loob ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggawad ng National Telecommunications Commission (NTC) ng frequencies na dating pagmamay-ari ng ABS-CBN sa media company na pagmamay-ari ng pamilya ni dating Sen. Manny Villar.

Sa isang statement, sinabi ni Zarate na ang desisyon na ito ng Duterte administration ay wala aniyang pagkakaiba sa mga nangyari noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at saa mga cronies nito.

Ipinapakita lamang aniya ng desisyon ng NTC ang kasinungalingan ng Duterte administration na sila ay laban o tutol sa oligarkiya dahil sa katotohanan ay pabor pa ito rito.

Ang paggawad ng frequencies na dating hawak ng ABS-CBN sa pamilya Villar ilang buwan bago ang halalan ay maari pa nga aniyang maituring bilang “undue advantage” sa mga tatakbo nilanng kaanak.

Bagama’t ang hakbang naa ito ay malinaw na sa ikakabenepisyo ng mga Duteret at ng mga Villar, ito naman ay detrimental sa sambayanang Pilipino.

Dapat aniyang maging mapagmatyag ang lahat sa mga maituturing na “midnight” schemes at deals na ito ng Duterte administration.