-- Advertisements --

Tiniyak ni House Appropriations Committee chairman Eric Yap na babantayan nila nang husto ang mga igugugol sa 2021 national budget.

Sinabi ni Yap na sa ilalim ng kanyang pamumuno sa komite ay gagana ng husto ang kanilang oversight function para matiyak na bawat piso na galing sa buwis ng taumbayan ay direktang mapapakanibangan mismo ng mga Pilipino.

Bukod sa pagbantay sa paggastos ng pamahalaan sa 2021 national budget, sinabi ni Yap na sisilipin din nila ang paggastos sa mga alokasyon na nakapaloob sa ilalim naman ng Bayanihan 1 at 2, partikular na sa mga ahensyang may natanggap na report ng iregularidad. 

Sinuman ang mapaptunayan aniya na sangkot sa korapsyon sa paggugol ng pondo, sinabi ni Yap na kaagad niyang irerekomenda ang pagsibak sa mga ito.

Ayon kay Yap, hindi natatapos ang trabaho ng kanyang komite sa pag-apruba at pagsasabatas naman ng budget.