-- Advertisements --

Inirekomenda na rin ng National Ecomic and Development Authority (NEDA) ang paggamit ng bisikleta para makatipid.

Ito ay sa gitna na rin ng walang tigil na pagtaas ng mga presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi ni NEDA Usec. Rosemarie Edillon na ito ang nakikita nilang pansamantalang solusyon sa pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.

Napapanahon na raw para gamitin ang active transport options na kinabibilangan ng bisikleta kasabay ng pagtitipid sa pangunahing pangangailangan.

Kung maalala ngayong linggo lamang ay nagpatupad ang mga oil companies ng malakihang oil price hike.

Kasabay nito, nagsitaasan din ang presyo ng mga bilihin.

Sa katunayan sa Pasay City Public Market ay tumaas na rin ang presyo ng karneng baboy ng P5.

Sa prime commodities, nasa P20 na ang dagdag sa presyo ng isang sakong harina.

Kaya naman, napapanahon na rin umanong obserbahan ang iba’t ibang diskarte sa pagtitipid hindi lang daw sa pagtitipid ng gas at pangunahing bilihin ang isaalang-alang ng publiko.