KORONADAL CITY – Mahigpit ang ipatutupad na patakaran para sa mga kapatid nating Muslim ukol sa COVID-19, kasabay nang pormal na pagsisimula ng unang araw ng Ramadan sa buong mundo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Abdulrauf Decampong, opisyal ng Koronadal City Grand Mosque sa Brgy. Sta Cruz,ng lungsod, inihayag nito na nagpatupad sila ng iilang protocol bilang hakbang umano sa posible na mahawa ng COVID 19 ang mga pupunta at mag aalay ng dasal.
Ayon pa rito, mahigpit nilang oobserbahan ang social distancing batay naman sa mandato ng national government.
Pinagbabawalan rin umano ang mga outsiders na makapasok at makapagsimba. Pansamantalang suspendido rin ang ano mang klase ng gathering sa Islam, alinsunod sa abiso ng kanilang mga pinuno.
Payo naman nito sa mga kapatid na muslim na mas mabuting ipagdiwang na lamang ang Ramadan sa kani-kanilang pamamahay.
Sa huli, nag-alay ito ng dasal sa lahat ng mga Muslim na ipagdarasal rin ang kaligtasan ng lahat laban sa pandemic virus.