-- Advertisements --
Ipinagpaliban ng Senado ang kanilang mga nakahanay na hearing ngayon, hanggang sa susunod na linggo.
Ito ay upang bigyang daan ang holy week activities ng mga senador at mga resource person na maaaring ipatawag sa hearing.
Pero tiniyak ng liderato ng Senado na itutuloy ang hearing ukol sa agriculture product smuggling na inumpisahan nang dinggin noong mga nakaraang linggo.
Ilan sa ipapatawag sina Agriculture Sec. William Dar at Customs Comm. Rey Leonardo Guerrero.
Hanggang ngayon kasi ay bilyon-bilyon pa rin ang nawawala sa dapat na kita ng mga magsasaka dahil sa smuggling.
Dismayado rin ang mga senador kay Dar dahil dalawang hearing na ang hindi nito dinaluhan.










