-- Advertisements --

Wala nang saysay at moot and academic na ang ginawang pagdinig ng komite ni Senator Imee Marcos kaninang umaga hinggil sa isyu ng Peoples Initiatives.

Ayon kay Deputy Speaker at Quezon Representative Jay Jay Suarez wala ng kabuluhan ang pagdinig dahil pinatitigil na ng Commission on Elections ang Peoples Initiative sa pangangalap ng pirma.

Sinabi ng Kongresista na dapat mag move on na ang Senado ukol sa isyu ng Peoples Initiative at simulan na nilang talakayin ang Resolution of Both Houses No 6 na inakda mismo ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Binigyang-linaw din ni Suarez na patay na ang siyu ng Peoples Initiative sa House of Representatives.

Bukas ang Kamara sa magiging hakbang ng senado para amyendahan ang economic provisions sa 1987 Constitutions.

Sa kabilang dako inihayag din ng mga kongresista na wala namang negatibong epekto ang larawan ni speaker Martin Romuakdez na ipinakita sa senado na kasama ang PIRMA Convenor na si Noel Onate.

Ayon sa mga mambabatas, normal lamang ang larawan dahil marami ang nais magpakuha ng picture sa speaker.