-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat nila ng mga imported na sibuyas na nakatakdang ibenta sa mga palengke sa susunod na mga araw.

Ayon kay DA Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Rex Estoperez na walang dapat ikabahala ang mga magsasaka ng sibuyas dahil nasa 5,000 metriko tonelada lamang mula sa 21,000 metriko tonelada ang naaprubahan ng DA na darating sa bansa ng hanggang Enero 27.

Walang epekto ang nasabing bilang sa mga magsasaka dahil ito ay hahatiin sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Pag-aaralan din nila ang mga cost of production ng mga onion farmers bago magtakda ng mga price cap sa mga imported na sibuyas.

Magugunitang kinumpirma ng Bureau of Plant Industry (BPI) na dumating na noong weekends ang mga inangkat na imported na sibuyas mula sa ibang bansa kung saan inaasahan na rin na ito ang siyang magpapababa ng presyo ng mga sibuyas sa bansa.