-- Advertisements --
Pinabulaanan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang akusasyon na ginaya nila ang bagong logo sa website na “Tripper.”.
Ayon sa PAGCOR na mali at pawang kasinungalingan ang alegasyon ng nasabing website na ninakaw nila ang nasabing logo.
Pagtitiyak nila na pinapanatili ng PAGCOR ang mataas na standard, integrity, transparency at accountability.
Magsasagawa na sila ng imbestigasyon sa nagpapakalat ng nasabing akusasyon laban sa kanila.
Magugunitang inakusahan ng nasabing website ang PAGCOR na ninakaw nito ang konsepto ng kanilang logo na ipinakilala sa publiko noong nakaraang araw.