-- Advertisements --

Tuloy-tuloy ang ginagawang privatization ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa mga casinos nito.

Ayon kay Pagcor Chairman and Chief Executive Officer Alejandro H. Tengco, na kanilang kinuha ang serbisyo ng Development Academy of the Philippines (DAP) para sa nasabing plano.

Dagdag pa nito na kailangan nila ang technical assistance ng DAP para sa compliance nito sa mga documentary requirements ng Governance Commission for Government-owned and Controlled Corporations (GCG) sa implementasyon ng Compensation and Position Classification System.

Ang nasabing sistema kasi ay kailangan para ma-privatize ang mga casino.

Kukunin din nila ang serbisyo ng ahensiya para isailalim sa pagsasanay ang mga empleyado at tauhan ng PAGCOR.

Magugunitang inanunsiyo ng PAGCOR na sila ay magiging regulatory body lamang mula sa dating operator.