Naniniwala si House Senior Deputy Minority Leader at 1st District Northern Samar Rep. Paul Daza na magdudulot ng magandang benepisyo sa Pilipinas ang inaugural state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong “Marcos Jr. sa Indonesia at Singapore.
Ang pagbisita ni Marcos sa Indonesia at Singapore ay kaunaunahan sa serye ng mga pagbiyahe ng Pangulo sa iba’t-ibang mga bansang kaalyado ng Pilipinas.
Sinabi ni Daza na ang dalawang bansa ay malapit na kapitbahay ng Pilipinas na ideal destination dahil sa istratehikong posisyon ng geograpiya , kalakalan, investment, security , defense cooperation, cultural exchanges at people-to-people relations .
“Given our proximity to both of these rising regional powers and emerging global players, I am encouraged that these countries were our president’s first foreign trips. Indonesia has a growing economy, a young and dynamic population, and a diverse, democratic and social media–savvy culture. Their annual GDP growth is projected to range in the 5.2 to 5.5% range in the coming years, and with it, the demand for consumer goods, services, and workers,” pahayag ni Rep. Daza.
Binigyang diin ni Daza na matututo ang Pilipinas sa Universal Healthcare (UHC) system ng Singapore na kilala sa buong mundo bilang isang epektibong gumagamit ng pampubliko at pribadong sektor sa partnerships para sa komprehensibong paggasta sa healthcare system.
“I am happy that President BBM seems to adhere to the axiom of ‘thinking global, strategizing regional, and acting local,” ang sabi pa ng mambabatas.
Kasama ni PBBM na bumiyahe ay sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.