-- Advertisements --
Pahirapan na sa ngayon na makabili sa Metro Manila ng N95 masks matapos na magbuga ng abo ang Taal Volcano kahapon.
Ilan sa mga bilihan sa Bambag Street sa Sta. Cruz, Manila, kilalang destinasyon para sa mga medical supplies at equipment, ay wala nang supply ng N95 masks.
Ang tanging mayroon na lamang sila sa ngayon ay mga ordinaryong surgical masks.
Ayon sa US Food and Drug Administration, “verry efficient” ang N95 masks laban sa mga airborne particles dahil sa “very close facial fit” na feature nito.
Base rin kasi anila sa pag-aaral, kayang salain ng N95 masks ang 95 percent ng 0.3 micron na test particles.