-- Advertisements --

Tatlong Filipina-Australian beauty queens ang itinanghal sa Queens of Australia 2025 pageant at magrerepresenta sa Australia sa iba’t ibang international beauty pageants.

Itinanghal si Bella Dela Cruz na bagong Miss international Australia 2025. Dati na itong lumaban bilang kinatawan ng Lucena sa Miss Universe Philippines 2025.

Makakasama niya sa Miss International ang pambato ng Pilipinas na si Myrna Esguerra.

Gayundin si Alexa Roder na hinirang na Miss Earth Australia 2025. Dati siyang sumali sa Miss Philippines Earth bilang kinatawan ng Filipino community sa Melbourne. Makakalaban niya sa Miss Earth ang Filipina candidate na si Joy Barcoma.

Habang si Adriana Gravador naman ang nanalo bilang Miss Eco Australia 2025. Dati siyang sumali sa Binibining Cebu noong 2020 bilang kinatawan ng Cebu City South. Bukod sa korona, nakakuha rin siya ng ilang special awards tulad ng Best in Swimwear at Darling of Social Media.