
Tinitimbang pa ng Department of Health (DOH kung may pangangailangan na bumili ng bagong covid-19 monovalent vaccines na pinupunterya ang omicron xbb subvariant.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, aantayin pa nila ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) at oobserbahan kung ano ang magiging hakbang ng ibang bansa sa bagong mga bakuna.
Inamin naman ng kalihim na nadiskubreng hindi gaanong epektibo ang bivalent vaccine dahil napapataas nito ang antibodies kayat hindi aniya ito napoprotektahan mula sa bagong variant kung kayat binago ang formula at gumawa ng monovalent target ang xbb variant.
Kabilang ang mga sublineage ng xbb variants ang nasaistahan ng who bilang variant of interest at variants under monitoring.
Samantala, ayon kay Sec. Herbosa naiturok na lahat ng 390,000 bivalent vaccines kayat umaasa ito na ngayong karamihan na sa mga pilipino ang nakakumpleto ng bakuna kontra covid, magiging mild na lamang ang sintomas at ang epekto ng bagong variant ay gaya din ng upper respiratory mild infection.










