-- Advertisements --

Kinalampag ni House Committee on Metro Manila Development chairman Manny Lopez ang Department of Health (DOH) para sa mabilisang pagbibigay nang lahat ng mga benefits ng mga frontliners at sa kanilang mga pamilya, lalo na iyong mga nawalan ng buhay sa harap ng laban kontra COVID-19.

Iginiit ni Lopez na araw-araw inilalagay ng mga medical frontliners ang kanilang buhay sa peligtro at kapakanan ng kanilang pamilya sa gitna ng public health crisis.

Base sa datos ng DOH, hanggang noong Marso 26, 2021 kabuuang 15,662 health workers ang tinamaan ng COVID-19, kung saan 82 rito ang binawian ng buhay.

Sinabi ni Lopez na maaring tumaas na ang bilang na ito lalo pa at mayroong surge ng COVID-19, partikular na sa Metro Manila.

Base sa umiiral na mga batas, makakatanggap ng 1 million ang pamilya ng isang health worker na binawian ng buhay habang nasa gitna ng trabaho, P100,000 kung sakali namang magkasakit at mauwi ito sa kritikal na kondisyon, at P15,000 naman kung ito ay mild o moderate case.