DAVAO CITY – Pagbibigay karangalan sa Pilipinas, iyan umano ang paraan ni Sprint Queen Lydia de Vega upang maipakita nito ang pagmamahal sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Davao kay Chardie Ramos, isa sa mga matalik na kaibigan ni De Vega, sinariwa nito ang mga magagandang katangian meron ang Asia’s Fastest Woman. Hindi umano maipagkakailang isang napakatapang na babae si De Vega kahit paman sa sakit nitong breast cancer.
Dagdag pa ni Chardie na kahit paman matalik silang magkaibigan, kahit kailan, hindi umano nila napag-usapan o binanggit ni De Vega ang karamdaman nito dahil napaka pribado at tahimik nitong indibidwal. Nirerespeto umano nito ang mga pribadong impormasyon at pribadong buhay ng kanyang mga kaibigan.
Si Chardie ang nagsimula lamang bilang tagahanga ni Diay ngunit hindi nya akalaing magiging matalik nya itong kaibigan. Para kay Chardie, isang malaking biyaya umano mula sa Panginoon na naging kaibigan niya ang isang Atleta na mahal na mahal ang paglilingkod sa bayan.
Magugunitang pumanaw sa edad na 57 anyos ang legendary athlete ng bansa noong Agosto 10.