-- Advertisements --
image 618

Suportado ng gupo ng magsasaka na Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) ang naging desisyon ng pamahalaan na pagbebenta sa Kadiwa store ang 12,000 metric tons ng nakumpiskang smuggled na asukal.

Salungat naman ito sa naunang katayuan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Nanindigan si PCAFI president Danilo Fausto na magbebenipisyo ang mga consumer mula sa mas murang mga asukal kasabau ng plano ng DA at Sugar Regulatory Administration (SRA) na ibenta ang mga nasabat na produkto sa halagang P70 kada kilo, mas mababa sa mga ibinibenta sa mga merkado sa Metro Manila,

Kinuwestyon din nito ang pagtutol ng grupong SINAG sa hakang na ito dahil aniya ang mahalaga ay dapat na hindi maibenta ang mga nasabat na asukal ng mas mababa sa resonableng presyo na makakaapekto sa mga magsasaka,

Kung maaalala, una ng inaprubahan ng Palasyo ng Malacanang ang rekomendasyon ng SRA para ibenta ang nakumpiskang kontrabando.

Top