Didipende ang pagbabakuna sa mga bata sa kung gaano kabilis makuha ng pamahalaan ang supply ng Pfizer vaccines at maibakuna ang mga ito sa high-risk na mga tao.
Sinabi ito ni FDA director general Eric Domingo kasabay nang paggiit na tangina ng Pfizer lamang ang aprubadong brand ng COVID-19 vaccines na maaring gamitin sa mga bata sa bansa sa ngayon.
Nauna nang sinabi ng pamahalaan na posibleng sa Setyembre o sa Oktubre maaring masimulan ang pagbabakuna sa mga kabataan.
Pero ayon nga kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., dipende pa rin ito sa pagdating sa bansa ng mga supply ng bakuna.
Pero noong Lunes, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mas marami pang pag-aaral ang kailangan bago pa man payagan ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa mga bata.
Kasabay nito ay sinabi ng kalihim na susundin pa rin nila ang kanilang polisiya na i-delay ang pagbabakuna sa mga bata sa bansa.