-- Advertisements --

DAVAO CITY – Binigyang linaw ni Dr. Ricardo Audan officer in charge ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) na walang katotohanan na ipinatitigil dito sa lungsod ang pagbabakuna gamit ang AstraZeneca vaccine matapos ang isyu nito sa mga bansa sa Europa na nagkaroon ng blood clot ang mga pasyente na nababakunahan nito.

Ayon kay Dr. Audan na kasalukuyan, nagpapatuloy ang kanilang pagbabakuna sa mga health care workers sa ospital na mga senior citizen at masaya umano ang mga ito dahil matagal na nila itong hinihintay.

Samantalang muling sinabi ng opisyal na natural lamang na makaranas ng adverse effect kung mababakunahan at wala rin umanong dapat na ipag-alala dito.

Sa kasalukuyan, hindi rin umano grabe ang side effect na nararanasan ng mga health care workers.