Nag-aalok ang state-owned na Land Bank of the Philippines ng alternatibong paraan ng pababayad ng mga paglabag sa batas trapiko sa pamamagitan onine sa ilalim na rin ng ipinapatupad na single ticketing system sa Metro Manila.
Sinabi ng LandBank na maaaring bayaran ng mga violator ang kanilang multa at charges online sa pamamagitan ng Link.BizPortal.
Ang naturang portal ay konektado sa single ticketing system webpage ng mga apprehending local government units.
Ayon pa sa nasabing bangko, maaaring bayaran ang multa gamit ang kanilang Landbank and Overseas Filipino Bank accounts gayundin ang virtual accounts na mabubukasan sa pamamagitan ng Landbank Pay.
Maaari ding gamitin ang mga accounts sa Bancnet o sa PayGate participating banks at iba pang e-wallets kapag gagawa ng transaksiyon sa nasabing Portal.
Available din ang cash payment option sa pamamagitan ng cash at partner agents nito kabilang ang Landbank Agent Banking Partners.
Matatandaan na sinimulan ang pilot implementation ng single ticketing system para sa mga lumalabag sa batas trapiko sa Metro Manila sa unang bahagi ng buwan ng Mayo.