-- Advertisements --

Dinipensahan ng MalacaƱang ang desisyon na ipagbawal ang paglabas ng mga menor de edad sa loob ng dalawang linggo kahit pa sinabi ng United Nations International Children’s Emergency Funds (UNICEF) na maapektuhan ng naturang hakbang ang mga karapatan ng kabataan.

Sa isang panayam, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ginagamit lamang ng pamahalaan ang police power nito para maprotektahan ang kalusugan ng publiko.

Bagama’t magkakaroon man ng restrictions sa ilang karapatan ng publiko, makabubuti naman aniya ito para sa lahat habang nahaharap sa pandemya ang bansa.

Kahapon, sinabi ng UNICEF na ang desisyon kamakailan ng Metro Manila Councul na ipagbawal muna ang paglabas ng mga bata ay maituturing bilang “infringment” sa karapatan ng mga kabataan.

Gayunman, kinilala pa rin naman ng naturang humanitarian group ang efforts ng pamahalaan para ma-control ang surge ng COVID-19 infections sa mga nakalipas na linggo.

-- Advertisement --

Mababatid na simula sa Miyerkules ay bawal nang lumabas ulit ng bahay ang mga bata dahil sa pagsirit na naman ng COVID-19 cases.

Tanging ang mga edad 18 hanggang 65 ang papayagang makalabas ng bahay.

Iginiit ng UNICEF na ang mga lockdowns ay may malaking epekto sa kabataan.