-- Advertisements --
Minaliit lamang ng Iran ang naging banta ni US President Donald Trump na dapat ay buksan nila ang Strait of Hormuz sa loob ng 48 oras.
Ayon kay Iranian President Masoud Pezeshkian, na ang mga pagbabanta ay siyang lalong nagpapabuklod ng mga mamamayan ng Iran.
Dagdag pa nito na ang ilusyon nila na burahin ang Iran sa mapa ay isang desperadong hakbang.
Paglilinaw nito na ang Strait of Hormuz ay bukas sa lahat maliban lamang sa mga lumalabag sa kanilang bansa.
Giit nito na kanilang hinaharap ang mga banta kung saan handa silang makipaglaban.
Magugunitang sa banta ni Trump na kanilang tatamaan ang mga oil at gas facilities ng Iran kung magmatigas ang mga ito.
















