-- Advertisements --
francisco duque III
DOH SEC. FRANCISCO DUQUE III

ILOILO CITY – Positibo ang Department of Health (DOH) na patuloy na bababa ang bilang ng persons under investigation (PUI) sa Coronavirus Disease (COVID-2019).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Health Secretary Francisco Duque III, sinabi nito na sa pinakahuling tala ng ahensya, nasa 137 na lang ang PUI’S at 387 naman ang nakalabas na ng ospital.

Ayon kay Duque, may hinihintay pa sila na 22 pasyente na patuloy na mino-monitor sa iba’t ibang ospital sa bansa.

Samantala, nananatili pa rin sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit.

Kaugnay nito, patuloy ang pagpapaalala ng kalihim na ugaliin ang paghugas ng kamay, pagtakip sa bibig sa tuwing babahing at uubo.