-- Advertisements --
Tinupok ng apoy ang pagawaan ng pancit sa Barangay Balon Bato, Quezon City, madaling araw ng Huwebes.
Pasado alas-3 ng madaling ng magsimula ang sunog at ito ay itinaas sa ikalawang alarma.
Nagsimula ang apoy sa likurang bahagi ng gusali kung saan mayroong pogon doon.
Wala namang nasugatan sa nasabing insidente na sunog na mabilis na naapula.