-- Advertisements --
Naglabas ang Pagasa ng flood alert sa ilang mga lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa ulang dala ng papalapit na low pressure area (LPA).
Ayon sa ulat ng weather bureau, kabilang sa mga inaalerto dahil sa malalakas na ulat at posibleng pagbaha ay ang Eastern Visayas, Northern Mindanao at Caraga region.
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 640 km sa silangan timog silangan ng Davao City o 675 km sa silangan ng General Santos City.
Kanina ay nagtaas na rin ng yellow rainfall alert sa Bukidnon, Lanao del Norte at Lanao del Sur.
Habang may bahagya ring ulan sa ilang bahagi ng Maguindanao, Misamis Occidental, North Cotabato at Dinagat Island.










