Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Bicol Region, gayundin ang Palawan, Visayas at Mindanao ngayong araw.

Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ), epekto ito ng namumuong bagyo sa silangang bahagi ng Surigao del Sur.

Sinabi ng state weather bureau na ang naturang low-pressure area (LPA) ay huling namataa sa layong 295 kilometers sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur hanggang kaninang alas-3:00 ng madaling araw.

Samantala, magdudulot naman ang habagat ng isolated light rains sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas din ng isolated rains dahil naman sa localized thunderstorms.