-- Advertisements --
Naging mapayapa at maayos ang pag-obserba ng Undas ngayong taon ayon sa Philippine National Police.
Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo, walang naitala na utoward incident mula ng magpatupad ng full alert status noong Oktubre 29.
Bagamat may mga nakumpiska lamang na ipinagbabawal na kagamitan mula sa mga taong nagtutungo sa mga sementeryo para bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Liban dito ay wala ding natanggap na anumang security threat sa pag-obserba ng Undas.
Nauna ng nagpaalala ang PNP na ipinagbabawal ang pagdadala ng alak, gambling items, loudspeakers at matutulis na bagay sa mga sementeyo.