-- Advertisements --
Naging agaw pansin ang pagbati ni Vice President Sara Duterte-Carpio kay President Ferdinand Marcos Jr. sa isang event sa lungsod ng Maynila.
Sa halip kasing buong pangalan ni Pangulong Marcos ang sabihin, binanggit nito na hindi na niya babanggitin ang “middle name” ng presidente na Romualdez.
Umani ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga nanonood ng kaniyang talumpati.
Hinala tuloy ng ibang nasa aktibidad, may isyu talaga sa apelyidong Romualdez o sa ibang personalidad na may ganitong family name.
Pero una na kasing naging maugong ang usapin sa pagitan nina Vice President Duterte-Carpio at House Speaker Martin Romualdez, ngunit wala namang kampo na eksaktong nagkumpirma ng kanilang personal na alitan.