-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG ang paglalabas nila ng record-high na P117.85 billyon na home loans noong 2022.

Ang nasabing halaga ay naipamahagi sa pag-finance ng mga pabahay ng kanilang 105,212 members.

Mas mataas ito ng 21% o P20.57 bilyon kumpara noong 2021 na mayroong P97.28 billion ang kabuuang nailabas na loan.

Sa nasabing halaga rin ay nabayaran nila ang pagpapatayo ng 105,212 na bahay ng kanilang miyembro na tumaas ng 11% mula sa 94,533 na bahay.

Sinabi Pag-IBIG Fund chief executive officer Marilene Acosta na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapag-finance ang ahensiya ng mahigit 100,000 na bahay sa loob lamang ng isang taon.