-- Advertisements --
Hindi bababa sa 11 katao ang namatay sa Rafah matapos atakihin ng Israeli forces ang tent camp na tinitirhan ng mga Palestinian.
Bago ito, nasawi rin ang 17 katao sa pag-atake naman sa lugar na sakop ng Gaza Strip.
Ayon sa Ministry of Health sa Gaza, nasa 50 katao naman ang naiulat na nasugatan sa drone attack sa Al-Helal Al-Emirati Maternity Hospital sa Rafah City.
Ayon sa ulat ng international media, apektado ng pag-atake ang mga displaced evacuees na kasalukuyang naninirahan sa tent.
Simula nang sumiklab ang digmaan sa Gaza, nasa 30,000 na Palestinian na ang namatay at 71,000 katao naman ang nasugatan.