-- Advertisements --

Kinalampag ni House Assistant Majority Leader at Iloilo Rep. Julienne Baronda ang mga kapwa nito kongresista na aprubahan na ang panukalang Magna Carta for Barangay Health Workers.

Binigyan diin ni Baronda na katuwang sa pagpapahatid ng mga health services ng pamahalaan ang mga barangay health workers.

Ayon sa kongresista, layo ng isinusulong nilang panukalang batas na mapalakas ang pagpapahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.

Ito ay sa pamamagitan nang pag-atas sa mga lokal na pamahalaan na magtalaga ng hanggang limang barangay health workers.

Pero ang mga health workers na ito ay kailangan munang dumaan sa accreditation ng mga local health board.

Nakasaad din sa panukala ang pagbibigay ng benepisyo, incentives at allowances sa mga barangay health workers.

Bukod dito, pinatitiyak din ang security of tenure sa naturang sektor.