Matapos na purihin ng ilang mga senador, kinilala rin ng ilang polical analyst ang hakbang ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pagbuwag sa ilang mga tanggapan na dating umiiral ng nakaraang administrasyon.
Pinuri rin ni Professor Tony La Viña, dating dean of the Ateneo School of Government ang pag-abolish ni Marcos sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at ilan pang tanggapan.
Aniya, indikasyon daw ito ng good management style para maging simple ang government functions.
Ayon pa kay Dr La Viña, na dati rin nagsilbi na undersecretary, marami naman daw ang paraan para habulin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan kahit wala na ang PACC.
Pabor din ito sa desisyon ng Malacanang na hawakan na lamang ng Office of the Executive Secretary ang dating mga function ng PACC.
Batay nga sa desisyon ng Pangulong Marcos ang abolition ng PACC, ay ibibigay na ang anti-corruption functions nito sa ilalim ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.
Habang ang Cabinet Secretariat na umaasiste sa presidente sa mga cabinet meetings ay ibabalik na muli sa Presidential Management Staff.