-- Advertisements --

Matatagalan pa bago tuluyang maayos ang nasirang tulay na nag-uugnay sa Russia at Crimea.

Ayon sa Russia na posibleng abutin pa ng hanggang Hulyo 2023 para tuluyang maayos ang nasabing tulay.

Ang 19 kilometrong tulay ay siyang itinuturing na pinakahabang tulay sa Europa.

Isa itong supply route ng Russian forces patungong Ukraine.

Magugunitang sinisi ng Russia ang Ukraine na sila ang nasa likod ng pagpapasabog ng tulay kaya ginantihan nila ang mga ito ng missile attack.