-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Inilahad ni Atty. Francis Abril, isang political analyst na kung may bahid ng pamumulitika ang nangyaring pag-aalis ni House Speaker Martin Romualdez kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, masyado pa umanong maaga para sa halalan sa 2028.

Saad nito na maihahalintulad ito noong nakaraang administrasyon kung saan inalis sa kabinet si Leni Robredo sa humigit-kumulang dalawang taon palang nito bilang Bise Presidente dahil naman umano sa posibleng paglalagay nito ng panganib sa seguridad ng estado matapos ang kahilingang makatanggap ng classified information, kabilang ang listahan ng high-value drug targets, sa drug war ng administrasyon ni Rodrigo Duterte.

Masyado pa aniyang maaga upang magpalakas ng mga kaalyado na magpapatibay ng political power dahil sa mayroon ng maipo-project na kandidato sa 2028.

Kung nagkakaroon man ng salungatan sa liderato ng kamara, marahil ay nate-threatened ang kasalukuyang administrasyon na may iluluklok si Arroyo na hindi malayong mayroon itong impluwensya dahil malaki ang kaniyang nai-capitalized sa local government at marami pa rin siyang kaalyansa.

Isa aniya ito sa nakikitang rason kung bakit siya inalis bilang deputy speaker.

Wala mang kasiguraduhan ngunit may spekulasyon na magka-alyansa sina Arroyo at si Vice President Sara Duterte kaya’t inaasahang ito ang magiging manok ni Arroyo.