-- Advertisements --

NAGA CITY – patay ang isang padre de pamilya matapos pagtatagain ng sariling anak sa Sitio Dolom, Brgy. Kilomaon, Sagñay, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Jerry Clerigo, 54-anyos, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PCpt. Mark Spaña, Deputy Chief of Police kan Sagñay Municipal Police Station, habang nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ang suspek na si Jessie Clerigo, 26-anyos, residente rin ng nasabing lugar, ng magkaroon ang mga ito ng mainit na diskusyon na naging resulta para bunutin ni Jessie ang kaniyang bolo at pinagtataga ang kaniyang ama.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan si Jerry na nagin dahilan ng kayang agarang pagkamatay.

Samantala, boluntaryo naman na sumuko ang suspek sa sa Chief tanod ng kanilang lugar na si Wilson Clidoro.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Jessie para sa karampatang disposisyon.