-- Advertisements --

Tuloy na ang panunumbalik sa boxing ring ni Manny Pacquiao.

Nakatakda niyang makaharap sa 8-round exhibition fight si ang dating French sparmate nito na si Jaber Zayani.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Saudi Arabia subalit wala pang tiyak na petsa at traget nilang gawin ito sa kalagitnaan ng Pebrero.

Nitong Martes ay napirmahan na ng dalawang kampo ang kontrata para sa nasabing laban.
Sinabi naman ni Zayani na kaniyang paghahandaan ang nasabing laban kahit na ito ay isang exhibition fight.

Ang 31-anyos na French boxer ay mayroong record na 18 panalo at walang talo na mayroong 11 knockouts.

Itinuturing nito na ang laban kay Pacquiao bilang isang malaking break sa kanilang boxing career.

Nauna rito ay mayroon isa pang exhibition fight ang Filipino boxing champion ito ay sa pamamagitan naman ng Korean YouTuber DK Yoo sa darating Disyembre 10.