-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nirerespito ni Former 8 Division World Champion Manny Pacquiao ang desisyon ng International Olympic Committee sa hindi pagsali sa kanyang pangalan sa Paris Olympics dahil sa kanyang edad.

Ayon kay Pacquiao na excited sana siya na mapabilang sa mga atleta sa Pilipinas dahil bata pa lamang ay pangarap na nitong makarating ng Olympics.
Gayunpaman hangad na lamang nito na makasungkit ng gold ang mga atleta ng bansa.

Dahil dito tututok na lamang sa kanyang training si Pacquiao sa laban kay Buakaw Banchamek na gagawin ngayong buwan ng Abril.

Sa takbo naman ng kanyang training nais nitong maabot ang kondisyon sa lakas, liksi at bilis, pagpapayat ng katawan kayat suot palagi ang jersey na pang-reduce kung ito’y magjo-jogging para mawala ang taba sa katawan.

Dahil may edad na sa bawat dalawang araw na heavy training ang gagawin na susundan ito ng pahinga para makapagrelax.

Ang laban kay Buakaw Banchamek ay anim na rounds lamang subalit may belt na nakalaan para sa mananalo sa laban.