Naghain si Senator Manny Pacquiao ng resolution na humihiling ng senate investigation sa kabiguan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipamahagi ang P10.4 billion na halaga ng Social Amelioration Program funds.
Sinabi ng senador na mahalagang matignan agad ang nasabing anomalya na kinasasangkutan ng DSWD at Starpay na ninanakaw umano ang pera ng gobyerno.
Dagdag pa nito na mayroon lamang 500,000 sa kabuuang 1.8 milyon beneficiaries ang nakapag-download ng Starpay application.
Nakasaad kasi sa disbursement scheme na matatanggap lamang ng mga benepesaryo ang kanilang pera kapag nakapag-download na sila ng Starpay application.
Nauna ng pinabulaanan ng DSWD na mayroong nawawalang pondo sa pamamahagi ng pinansiyal na tulong sa mga mahihirap na pamilya na naapektuhan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.










